Home

Advertisement

Customize

pinoy humor nga naman

Feb. 19th, 2007 | 04:20 pm
nasa : cellular phone =)

Anak: Mommy ang ganda ng bracelet mo. Bigay ba ni Daddy yan?
Mommy: Ay naku anak, kung sa Daddy mo lang ako aasa, baka pati ikaw wala sa mundong ito.

Ano sa tagalog ang asawa? " May bahay"
Ano naman ang kabit? " May condo"

Sa seminario:
Madre: Father, pagsabihan mo naman ang mga seminarista, umiihi sa pader.
Father: Sister naman, maliit na bagay yan, huwag mo ng pansinin.
Madre: Naku, Father, malalaki po.

Pasyente: Doc, hina ng tenga ko, di ko marinig kahit utot ko.
Doctor: Heto inumin mo ng isang linggo.
Pasyente: Lalakas na ba ang pandinig ko.
Doctor : Hindi. Lalakas ang utot mo.

GMA visiting mental hospital.
GMA: Do you know me? I am the president.
Patient: Ah don't worry, when I came here I used to say I am the president, but we have good doctors and you will be cured.

Anak: itay ano ang kaibahan ng confident sa confidential?
Tatay: Anak kita , Confident ako diyan. Yong best friend mo si Tikboy, anak ko rin, Confidential yon.

Judge: Ikaw na naman, 10 years ka ng humaharap sa korte ko.
Akusado: Your honor, hindi ko kasalanan kung hindi kayo mapromote.

Mister: Kung gagawa ako ng pelikula, gusto ko, a ko si ZORRO!
Misis: Eh ako, sino?
Mister: Si DACOS!
Misis: Dacos? Sino 'yun!
Mister: DA COSof all my ZORROs!
***
Job interview...
Boss: Ano ang alam mo?
Rommel: Alam ko po kung saan kayo nakatira ng misis mo, at kung saan nakatira ang kabit mo.
Boss: Tanggap ka na!
***
Tomas: Sobrang tabatsoy na ang misis ko kaya gusto niyang magbawas ng timbang. Nag-horseback riding siya...
Jorge: Ano'ng resulta?
Tomas: Nabawasan ng 10 kilos 'yung kabayo!
***
Ama: Kumusta ang pag-aaral mo?
Anak: Nag-lesson at test po kami tungkol sa mga manok.
Ama: Ano, madali ba?
Anak: Chicken na chicken!
Ama: Anong grade mo?
Anak: Itlog po.
***
Dalawang holdaper sa bangko...
Holdaper #1: Yehey! Mayaman na tayo!
Holdaper #2: Bilangin mo na!
Holdaper: ****! Alam mo namang mahina ako sa math. Abangan na lang natin sa balita kung magkano!
***
Guro: What is 34 books + 25 books?
Pilo: 59 books po.
Guro: Good. Ang 18 + 29 + 30 books?
Pilo: 77 books.
Guro: Very good. Now, what is 950 + 136 + 672 + 490 + 854 books?
Pilo: Ma'am, library po!
***
Pasyente: Okey ba ang services sa ospital na ito?
Doktor: Oo naman. Sigurado 'yon.
Pasyente: Paano kung hindi ako satisfied?
Doktor: Ibabalik namin ang sakit mo.
***
After 50 years...
Urbana: Mare, how's your sexlife?
Dolores: Well, sa age ni pare mo,
MUKHA na lang ang nagagalit,
BALAHIBO na lang ang tumatayo
at UBO na lang ang matigas.###

Mga kasabihan:

"Magkasinlakas lang ang muscles namin ni Pacquiao, pero hindi talaga ako ang kalaban niya, bakit ba ang kulit ninyo?!" - VINA MORALES
***
"Anong akala mo sa akin, mayaman?! Nauubusan din ako ng pera!" - ATM
***
"You never even thanked me for making you happy, then you throw me away just like that... I hate you for usi ng me, for making my life full of ****..." - TOILET PAPER
***
"Huwag po nating salubungin ang mga bumaba pa. Hindi po natin sila kamag-anak." - LRT OPERATOR
***
" Napaka-unfair ng buhay sa mundo... Bakit hindi ako pwedeng magmahal?!" - UKAY-UKAY
***
"You know, I feel I'm relaxing...you know... Thanks for da God... To all Filipino, thanks for da supporting wid me..." - MANNY PACQUIAO
***
"Biktima rin ako ng abortion." - BALUT
*** ***
"Huwag mong sabihing pinaiyak kita dahil una mo akong sinaktan." - SIBUYAS
***
"Panakip-butas lang ba talaga ako?" - PANTY
***
"Halika, pag-initin mo ako! Kailangan kong pumutok upang ako'y iyong matikman at ika'y masarapan... ayaaan na! Malapit na!!! Puputok na!!!
Aaaaahhhh... .." - POPCORN
***
"Huwag mo akong sisihin kung cold man ako dahil hindi naman ako magmamatigas kung binigyan mo lang sanaako ng konting importansya! " - KANING LAMIG
***
"Hindi lahat ng alak, nakalalasing. " - ALAK-SAN
***
"Hindi lahat ng 13, malas." - 13th MONTH PAY
***
"Hindi lahat ng lumilipad ay superhero." - MANANANGGAL
***
"Hindi lahat ng bumabagsak ay nagsa-summer. " - ERIK MORALES
***
"Hindi lahat ng ngipin ay puti." - BLUETOOTH
***
"Nandito ako sa harap ng bahay ninyo." - GATE
***
"Bakit mo 'ko binibitin kung kailan kainitan at basang -basa ako?" - SINAMPAY
***
"Lagi mo akong yakap. Nakapatong lagi ang hita mo sa katawan ko. 'Yun pala, tutulugan mo lang ako..." - UNAN
***
"Masayang-masaya ako, kasi, ang dami kong date!" - KALENDARYO
***
"Nagtatanong lang naman ako pero huwag mo naman akong murahin kapag hindi mo masagot." - TEST PAPER
***
"Ang sarap haplusin ng buo mong katawan... at dumampi sa parteng ako lang ang nakagagawa. Masarap, di ba? Pero bandang huli, iiwan mo lang ako sa isang tabi..." - TUWALYA

i-konek | sa lahat ng xiekreto | Add to Memories | Tell a Friend


meriendabreak

Jan. 21st, 2007 | 03:00 pm
nasa : hapagkainan

ang sarap ng merienda ko ngayon.
manggang hilaw at ginisang bagoong ng barriofiesta.
dati hindi ako kumakaen nito. 2nd year college lang ako natutong kumaen dahil sa ex ko. yan kasi favorite niya. ayun. haha. nope, di ako nagrereminisce. gutom lang ako dahil mula umaga, hanggang ngayon, linis ako ng linis. nakakapagod.

--

nakanuod ako ng tv kanina. at kumakanta si yeng ng: Bulong ni kitchie nadal.
eto yung lyrics:

Ikaw ba'y nalulungkot?
Nababalot ba ng poot
Maraming hinanakit sa mundo
Di alam anong gagawin
Kundi ubusin ang oras sa gin
Akala mo iya'y may mararating

Hoy, kaibigan ko!
Pakinggan mong mga bulong sa 'yo
Ito'y di galing sa mundo
Patungo sa pangakong paraiso

Nasaan nang talino mo?
Diskarte kamo ng kano
Apakan ng lahat pati paa mo
Minsan ang kagitingan ay
Wala sa bigat ng pinapasan
Sa pagsubok pagharap ang kabiguan

Tumatakbong oras
Gumising ka't bumangon na
Pagkat hindi na ikaw
Ang biktima...

yan yun. sarap kantahin nyan. =D favorite ko yan dati.
hmm. may bagong kanta pa ba si kitchie ngayon?

--

paalam na, tapos na merienda break ko. backtowork.

i-konek | sa lahat ng xiekreto | Add to Memories | Tell a Friend


bakas

Jan. 21st, 2007 | 12:28 am
nasa : alapaap

di mo makikita ang bakas ng saya
at ngiti sa aking mata
dahil ikaw ay nananaginip na
ako, nagpupuyat pa.

inumaga nanaman ako
panibagong araw ng pagsubok nanaman ito
kadalasan, naiisip ko
nagbabago ba ako para sa ikabubuti ko?

--

nagtataka lola ko ngayon na kasalukuyang kumakaen ng almusal. (oo, its too early for breakfast. wag ka makealam. weird talaga ang eating habits nya.) sabi niya sa tatay ko, "hindi pa ba natutulog si xie?" buti nalang good mood si papa at hindi siya nagalit.

--

ang saya ko kahapon. tawa ako ng tawa. puro kulitan with julie and tj. ni di ko inaasahan na mageenjoy ako dahil umaga palang, masakit na ulo ko. pero, iba talaga. haha. inggit ka? sama ka na din samin. dali. the more the merrier.
*apir*

i-konek | sa lahat ng xiekreto 2 ang nagtapat | Add to Memories | Tell a Friend


kamote

Jan. 18th, 2007 | 11:12 pm
nasa : bahay lang

"anak ng kamoteeeeeh naman oh!"
-- ang kadalasang hinihirit ng tatay ko pag dadidismaya sya sa isang bagay, o sa aming magkakapatid. ngayon ko lang naisip. at patuloy na iniisip. maaaring kamote ang tatay ko. malalim na diskusyon ang kinakailangan. di ba?
Tags: ,

i-konek | sa lahat ng xiekreto 2 ang nagtapat | Add to Memories | Tell a Friend


etyefsueor

Jan. 18th, 2007 | 12:00 am
nasa : dark chocolate
ako ay: disappointed disappointed

ayon sa mensahe:
sagutin mo ito.
kung mahal mo talaga ang isang tao, maaayos mo 'tong letters na ito into 3 words.

"etyefsueor"

kapag hindi mo nasagot, ibig sabihin daw, hindi ka marunong magmahal.

--

hindi ako sumasangayon sa huling pangugusap. pag hindi mo talaga kayang buoin ang 3 salita,
magiwan ka lng ng mensahe, at sasabihin ko sayo.
clue: english you 3 words na yun.

--

halong saya at lungkot ang araw kong ito.
Tags:

i-konek | sa lahat ng xiekreto 3 ang nagtapat | Add to Memories | Tell a Friend


Advertisement

Customize